click nyo yung picture kung gusto nyong mag join
hindi ko pa rin alam ang gagawin.. heheh!
simula pa kahapon sinusubukan ko yung 3d game na secondlife mejo matagal ko na rin gustong subukan yun mga 2 or 3 years na yata kaya lang hindi dati kaya ng computer na gamit ko tsaka wala naman akong sariling computer at bawal pero ngayon nasubukan ko na,, mejo nakakabaliw nga lang.. hehehe hindi ko pa kc alam kung paano,, hindi ko nga alam kung bakit ko gusto yun pero masaya naman... masaya ako kahit hindi ko pa alam ang gagawin.. nauubos nga lang ang baon kong english sa pag kausap sa mga tao dun.. sabi nila di raw yun laro.. ewan di ko ma gets..
or di ko talaga alam kaya di ko maintindihan pero so far nag eenjoy ako.. may mga nakilala na rin ako.. pero gusto ko ng sariling lupa.. hehhehe.. mejo naiinis nga lang ako sa sarili ko bakit hindi ko alam ang gagawin.. saan na ang mga pinagaralan ko.. di ako makagawa ng kahit ano... tsaga lang daw sabi nung isa kong nakausap.. maghanap daw ako ng work... pagandahin ko raw ang avatar ko tapos mag apply akong model.. ewan! hahaha kakaiba.. hmm sana nakagawa rin ako ng magandang avatar.. magkaroon ng mga kaibigan doon.. sabi nung iba business daw ang dahilan kung bakit sila nandun.. paano kaya yun? hmm sana naman di matuyo ang utak ko ka iisip dun at sana maintindihan ko na.. ayos kc yung mga video nung ibang player na naka upload sa youtube.. yun talaga ang gusto kong gawin... sana kaya ko rin yun noh.. yung picture na yan, yan ako sa secondlife.. pero di katulad ng reallife pwde ko bagohin kahit kailan ko gusto ang mukha, katawan at siguro pagkatao rin. marami akong gustong gawin.. pero sana di tulad ng sa reallife mahirap sana dito sa secondlife ko madalian lang ako.. sana rin makapag design ako ng magagandang bagay dito. kaya lang mukhang palpak ako eh.. pero paano ako pag titiwalaan sa realworld kung sa virtualworld e susuko rin ako ng basta ganun lang.. hmm pag aaralan ko tong mabuti.. promise!!! :-* >:D< sana magtagumpay ako!! at sana kung may alam kayo dito help me naman,,, hehehhe.. tsaka sana wag bumagal ang internet connection ko.. nag eerror kc pag mabagal ang connection.. smartbro wag mo kong biguin ha.. hehehe
No comments:
Post a Comment